MLM Closing Script: How to Increase More Pay Ins Using Dream Close

Paano moba kino-close yung prospect mo pagkatapos nilang mapanood yung business presentation nyo?

Karamihan kasi ng mga networkers ay walang ideya kung paano iko-close yung prospect  nila pagkatapos  ipanood sa prospect yung business presentation.

May iba bigla nalang babanatan  yung prospect nila ng linyang ito..”Maganda ba o magandang-maganda?  Sasali o sasaling sasali? Payaman dito yohooo..!

Pamilyar kaba dun? 🙂

Yung dating turo naman ng upline ko akin, sabi nya basta tanungin ko lang daw kung ano sa tingin nila.

Kapag ganito kasi yung tanong mo sa prospect, posibleng kung ano-ano yung isagot nila sayo na hindi mo  magustuhan. Posibleng  isagot nila sayo  yung hindi nila masyadong naintindihan sa business presentation nyo.

Kaya para maiwasan mo yun, kaylangan tanungin mo sila basi sa gusto nila.

Kaylangan mong alamin yung dream o reason why ng prospect mo.

Yung dream o reason why ng prospect mo ang susi para makapag desisyon yung prospect mo. Mamaya bibigyan kita ng sample script kung paano mo gagawin to.

Yung rason kung bakit mo kaylangan alamin yung dream o reason why ng prospect mo ay dahil ito kasi yung  mag ti-trigger sa kanila para sumali at bumili ng product mo.

Yung prospect kasi natin ay nagdi-desisyon yan basi sa emosyon na naramdaman nya.

Ganun tayong mga tao, mas mabilis tayong makapag desisyon sa isang bagay kapag may halong emosyon.

Kaya nga minsan, bigla nalang tayong napapabili sa mall kahit napadaan ka lang at wala kana mang balak bumili. Yung ay dahil may nakita kang SALE, 70% OFF.

Ano bang mararamdaman mo pag nakakita ka ng SALE?

Diba mapapabili ka sa gusto mo kahit out of budget kana.

It’s because of emotions that triggered to us. The excitement

People always buy with Emotion first and then they justify it later with Logic.

Alam moba na pwede mo din i-apply to sa pag close ng prospect mo. Kaylangan mo lang alamin yung wants o dream ng prospect mo.

Kaya tinatawag ko itong dream close..

Ito yung example ng dream close..

Dream Close Script

May limang tanong bago mo malaman yung dream ng prospect mo. Sa tanong nato unti-unti mong malalaman yung dream ng prospect mo na gagamitin mong bala para makapag desisyon yung prospect na sasali sayo.

Sa bawat tanong, kaylangan mong mapasagot yung propect mo bago ka mag proceed sa susunod na tanong.

Note: Itatanong mo lang to sa propect after nilang mapanood yung business presentation nyo. Online man yan or offline presentation.

Ito yung itatanong mo sa prospect mo..

  1. Ano yung pinaka nagustuhan mo sa nakita mo?

Or Ano yung pinaka nagustuhan mo sa video?

Or Ano yung pinaka nagustuhan mo sa seminar?

  1. Sabihin natin na sumali ka ngayon, nakikita moba yung sarili mo na kumikita sa company nato?
  1. Magkano yung gusto mong kitain?

Or Five years from now, magkano yung gusto mong kitain?

  1. Anong gagawin mo sa pera?

Or Sabihin natin na kinita muna yung pera na  yun, anong gagawin mo dun?

  1. Sa current job mo ngayon, gaano katagal bago mo kitain yung pera na yun?

By asking this question, mare-realize ng prospect mo na hindi nya kayang kitain yung amount na sinabi nya para ma achieve yung goals (dream car, house, money savings, etc.) nya sa pamamagitan ng pagtatrabaho.

Posibleng abotin ng madaming taon bago nya maabot yun, pero kadalasan hindi talaga.

Simple lang tanong nato pero napaka effective pag na deliver mo ng tama.

Kapag napansin mo sa prospect na seryoso talaga sila sa sinaasabi nila. Ito yung pwede mong sabihin sa kanya na dapat may kasamang strong posture.

Obviously, itong business nato ay magandang option para ma achieve mo yung goal mo. Ano sa tingin mo?

Listen to your prospect sa isasagot n’ya, dito mo malalaman kung sincere ba talaga yung prospect mo sa sinasabi nila.

Kapag nakapag decide na yung prospect mo na mag join, i-guide mo  lang sya sa recruiting process ng company nyo..

Congrat’s may bagong pay in ka ngayon..

Try using this dream close strategy now, mas mainam aralin mo pa at i-practice mo yung closing technique nato.

Practice…practice hanggang sa ma deliver mo ng tama at sound sincere.

Kung gusto mong matutunan yung iba pang closing scripts at recruiting strategy na ginagamit ko. Get a copy of my MLM Recruiting Blueprint. This is step by step blueprint for network marketers na hirap mag recruit at mag close ng prospect nila. Click here to learn more.

 

To Your Success,

me

Orchil Saragoza

Facebook Comments

About The Author

Related Posts

11 Comments

  1. randy rebadulla April 21, 2017 Reply
  2. randy rebadulla April 21, 2017 Reply
  3. randy rebadulla April 21, 2017 Reply
  4. randy rebadulla April 21, 2017 Reply
  5. edgar uba April 25, 2017 Reply
  6. edgar uba April 25, 2017 Reply

Leave a Reply

FREE VIDEO: How I Earned P​​​​1,000, P3,000, P7,000 and P11,000 Income Online WITHOUT Recruiting My Friends, Family And Co-workers.